ACOSTA

Anim na panibagong kaso ng Dengvaxia case ang inihain nv Public Attorney’s Office (PAO).

Ang anim na kaso ay kabilang sa ika-limang batch ng Dengvaxia case ang inihain ngayong araw ng PAO sa Department of Justice (DoJ).

Ayon kay PAO Chief Persida Rueda-Acosta, sa susunod na pagdinig ay posibleng madagdagan pa ang isasampa nilang kaso laban sa mga umano’y sangkot sa pagkamatay ng mga batang naturukan ng naturang bakuna.

Samantala, nagsumite na rin ang dalawang respondents ng kanilang rejoinder affidavit at nagsumite rin ng kanilang rejoinder ang limang respondents na nasa ibang bansa.

Ito ay may kaugnayan sa ika-apat na batch ng Dengvaxia case na inihain ng PAO sa DoJ.

Sa December 18, magsusumite ang PAO ng kanilang rejoinder affidavit laban sa limang respondents at magiging submitted for resolution na ang kaso.