Patuloy na inaalam ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pinsalang dulot ng 6.9 magnitude na lindol na tumama noong Martes ng gabi, Setyembre 30.
Kung saan apektado ang Leyte, Samar at bahagi ng Bohol grid matapos mahiwalay sa Cebu-Negros-Panay-Bohol grid.
Iniulat ng ahensya na nasira ang Daanbantayan Substation malapit sa epicenter ng lindol at apat na 230kV transmission lines din ang nagtumbahan.
Limang planta naman ng kuryente sa Cebu at Negros ang tumigil ang operasyon, na may kabuuang 641MW na load.
Ayon sa NGCP, isasagawa agad ang inspeksyon at pagsasaayos sa sandaling maging ligtas ang lugar, habang nagpapatuloy pa ang aftershocks.
Inulat din nila na magbibigay sila ng update kada apat na oras hanggang tuluyang maibalik ang serbisyo.
‘NGCP will issue updates every 4 hours until transmission services are fully restored,’ ayon sa pahayag.
