Nakatakdang maghain ng panibagong batch ng Dengvaxia casw ang Public Attorney’s Office (PAO) sa susunod na pagdinig ng ika-apat na batch ng kaso sa Nobyembre 18.
Ayon kay PAO Chief Persida Rueda-Acosta, limang kaso ang kanilang ihahain na bubuo sa ika-limang batch ng Dengvaxia case.
Ang kaso ay nag-ugat sa pagkamatay ng limang bata na naturukan ng Dengvaxia.
Samantala, sa susunod na hearing sa Nobyembre 18, magsusumite ang dalawang respondents ng kanilang rejoinder affidavit maging ang limang respondent na nasa ibang bansa ay magsusumite rin ng rejoinder.
Sa Disyembre 18 magsusumite ang PAO ng kanilang rejoinder affidavit laban sa limang respondent at magiging submitted for resolution na ang kaso.
Kanina sa isinagawang pagdinig, tatlong respondents ang hindi pa nakapagsumite ng kanilang rejoinder affidavit at mabibigyan lamang sila ng hanggang mamayang hapon para magsumite.