-- Advertisements --

LA UNION – Aabot na sa 56 ang bilang ng mga pulis sa PRO-1 ang nagpositibo sa sakit na COVID-19.

Ito ang kinumpirma ni PRO-1 regional director B/Gen. Rodolfo Azurin Jr.

Sinabi nito na sinimulan na ang mass testing o swab test sa lahat ng personnel ng PRO-1, dahilan para biglang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay.

Ayon kay Azurin, 856 pa lamang o katumbas ng 10% mula sa mahigit 8,000 personnel ng PRO-1 hanggang sa mga police stations ang isinailalim sa RT-PCR test at patuloy pa ang pagsasagawa nito.

Simula noong Marso 16 na ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang sa kasalukuyan, nakapagtala na ang PRO-1 ng 56 confirmed cases ng COVID-19 ngunit walang naitalang namatay.

Sa kasalukuyan, 25 ang aktibong kaso na kinabibilangan ng dalawang mild condition at 23 asymptomatic.

Nananatiling lockdown ang buong compound ng PRO-1 headquarters bilang bahagi ng containment measure para pigilan ang pagkalat ng naturang sakit sa mga pulis.