Natuloy na rin ang proklamasyon ng Commission on Elections (Comelec) sa 55 mga nanalong mga party-list groups.
Ginanap ng Comelec na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC) ang proklamasyon kaninang pasado alas-4:00 ng hapon sa PICC Forum 2 Tent sa Pasay City.
Una rito sa inilabas na complete list ng mga nanalong party-list groups ang lahat ng mga ito ay entitled ng isa o higit pa na upuan sa 19th Congress.
Ang topnotcher sa naturang listahan ay ang ACT-CIS.
Habang ang grupong Kabataan at Gabriela na nahaharap sa mga petisyon para sa kanselasyon ng rehistrasyon mula sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay naproklama na rin.
Habang ang United Senior Citizens na pumuwesto sa 37th place noong nakaraang linggo sa canvassing report ay wala sa listahan.
Ang Senior Citizens PL ay nauna nang naghain ng disqualification case laban sa naturang grupo.
Narito ang mga nanalong party-list groups:
- ACT-CIS (3 seats)
- 1-Rider PL (2 seats)
- Tingog (2 seats)
- 4PS (2 seats)
- Ako Bicol (2 seats)
- Sagip (2 seats)
(1 seats each)
- Ang Probinsyano
- Uswag Ilonggo
- Tutok to Win
- CIBAC
- Senior Citizens PL
- Duterte Youth
- Agimat
- Kabataan
- Angat
- Marino
- Ako Bisaya
- Probinsyano Ako
- LPGMA
- API
- Gabriela
- CWS
- Agri
- P3PWD
- Ako Ilocano Ako
- Kusug Tausug
- An Waray
- Kalinga
- Agap
- Coop-NATCO
- Malasakit@Bayanihan
- BHW
- GP Party
- BH
- ACT Teachers
- TGP
- Bicol Saro
- Dumper PTDA
- Pinuno
- Abang Lingkod
- PBA
- OFW
- Abono
- Anakalusugan
- Kabayan
- Magsasaka
- 1-PACMAN
- APEC
- Pusong Pinoy
- TUCP
- Patrol
- Manila Teachers
- Aambis-OWWA
- Philreca
- Alona