-- Advertisements --

Posibleng magkaroon ng malaking rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, kung saan inaasahang aabot sa humigit-kumulang P8 kada litro ang bawas sa diesel.

Batay sa unang apat na araw ng kalakalan sa pandaigdigang merkado, tinatayang magbabago ang presyo ng langis sa mga sumusunod:

  • Gasoline: bababa ng P0.40 kada litro
  • Diesel: bababa ng P8.50 kada litro
  • Kerosene: bababa ng P11 kada litro

Gayunpaman, maaari pang magbago ang mga presyong ito dahil may natitira pang isang araw ng trading bago tuluyang ma-finalize ang adjustments.

Ayon sa mga ulat, bumaba ang presyo ng langis nitong mga nakaraang araw matapos ipahiwatig ng Washington na umuusad na ang negosasyon upang muling buksan ang Strait of Hormuz.