Nahati sa tatlog piraso ang isang pampasaherong eroplano sa Turkey matapos na ito ay dumulas sa runway.

Ikinasugat din ito ng 53 pasahero ng Pegasus Airlines jet ng ito ay dumulas sa runway ng Sabiha Gocken airport sa Istanbul.

-- Advertisement --

Mayroong kabuuang 171 pasahero at anim na crew ang lulan ng nasabing eroplano.

Sinabi ni Istanbul Transport Minister Mehmet Cahit Turhan na walang nasawi sa nasabing insidente.

Ayon naman kay Istanbul Governor Ali Yerlikaya, itinakbo na sa pagamutan ang mga 52 nasugatang biktima.

Itinuturong dahilan ng aksidente ay dahil sa malakas na pag-ulan kaya nangyari ang aksidente.

Dahil sa insidente ay sinuspendi na rin ang lahat ng mga flights sa nasabing paliparan.