PDLs released2.png

Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na nai-release na nila kahapon ang unang dalawang batches ng mga dating ex-convict na sumuko dahil sa isyu ng good conduct time allowance (GCTA) Law.

Ayon kay Department of Justice (DoJ) Usec. at Spokesman Markk Perete, kinabibilangan daw ito ng 52 persons deprived of Liberty PDL) surrenderees.

IMG 20190919 144553 1
DoJ usec. and Spokesman Markk Perete

Ang mga nasa Manila ay agad daw na pinauwi habang inayos naman ang transportation para sa mga sumukong nasa probinsiya.

Samantala, ayon sa DoJ-BuCor Joint Task Force kagabi ay napagkasunduan ng mga itong pauwiin na rin ang 35 na iba pang bilanggo na sumuko.

Posibleng ngayong araw na rin ire-release ang mga ito.

Ngayong araw, muling magpupulong ang Task Force para ipagpatuloy ang deliberasyo.