-- Advertisements --

Namahagi ang pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)–Region 10 ng mahigit 50,000 tilapia fingerlings sa mga miyembro ng Linindingan Tilapia Grower Farmers’ Association (LTGFA) kamakailan.

Ang naturang asosasyon na mula sa Poona Piagapo, Lanao del Norte ay isa sa mga benepisyaryo sa ilalim ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) Program Phase 2 ng ahensya.

Ayon sa BFAR, bahagi ito ng patuloy na suporta ng gobyerno sa pamamagitan ng pamamahagi ng fingerlings, commercial feed at maging ng technical service.

Makatutulong ito sa paglago ng unang cycle ng aquaculture production sa lalawigan ngayong kasalukuyang taon.

Mula ng maipamahagi ito ay tatagal pa ng apat hanggang limang buwan ang aabutin bago tuluyan itong maani.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang naturang asosasyon sa tulong na ipinamahagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)–Region 10.