Pumalo na nga sa 501 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas batay sa pinakabagong datos na inilabas ng Department of Health (DOH).

Sa isang text message, kinumpirma ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na as of 9am ngayong Martes, March 24, ay may 39 na bagong nag-test positive sa sakit.

Wala namang nadagdag sa bilang ng mga namatay na nananatiling 33, pero may isa pang gumaling kaya ang total recoveries sa ngayon ay 19.

Ngayong hapon haharap sa virtual press briefing ang DOH kung saan inaasahan nating maglalabas ng detalye ang ahensya kaugnay ng mga bagong numero.