-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Pumalo na sa 50 ang kabuuang bilang ng mga gumaling mula sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa probinsya ng Cotabato.

Nakapagtala naman ng dalawang recoveries sa mga dinapuan ng sakit.

Ito ay batay sa pinakahuling tala ng Integrated Provincial Health Office ( IPHO) Cotabato at DOH-CHD SOCCSKSARGEN Region.

Nasa 15 naman ang aktibong kaso matapos na magtala ng isang panibagong pasyente.

Ayon kay PIATF-ICP head BM Philbert Malaluan, ang ika-67 na pasyente ay isang 29-anyos na babae mula sa bayan ng Matalam at isang locally stranded individual (LSI).

Ito ay may travel history mula sa Maynila.

Sumailalim ito sa swab test pagkababa nito sa Davao International Airport (DIA) noong September 4 at diretsong pumasok sa LGU isolation facility ng araw ding yon pagdating nito sa lalawigan.

Tiniyak pa ni Malaluan na sa kasalukuyan ay asymptomatic at nasa stable condition naman ang pasyente.