-- Advertisements --
Malaya Isko

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DILG) na uunahin nilang i-hire ang mga nawalan ng trabaho para maging contact tracers lalo na sa mga lugar na mataas pa rin ang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay DILG Usec. at Spokesperson Jonathan Malaya, ito ay para mas lalo pang mapakalas ng mga local government units (LGUs) ang kanilang contact tracing.

Sinabi ni Malaya na nais nilang madoble ang bilang mga mga contact tracers at sa susunod na buwan ay puwede na silang mag-hire para mabuo ang 50,000 contact tracers sa mga lugar na mataas pa rin ang kaso ng covid.

Samantala, gumaganda na raw ang contact tracing sa Metro Manila matapos na ring bumisita sa ilang lugar si Mayor Benjie Magalong ng Baguio City na gumagamit ng makabagong teknolohiya sa contact tracing.

Mula raw sa dating ratio na one is to five, sa ngayon ay nasa one is to 15 na ang average dito sa Metro Manila at ang dating one is to four sa Cavite ay nasa one is to 20 na ngayon.

Una nang sinabi ni Magalong na binansagan ngayong contact tracing czar na nasa 30 katao ang dapat ma-contact sa loob ng 24 oras sa mga nakasalamuha ng nagpositibo sa covid.