Sugatan ang limang katao matapos ang naganap na pamamaril sa Minnesota.

Hawak na rin ng mga kapulisan ang suspek na responsable sa pamamaril sa Allina Health Care Clinic sa Buffalo, Minnesota.

Tatlo sa limang bikitma ang nasa kritikal na kalagayan kaya agad silang dinala sa pagamutan.

Sinabi pa ni Minnesota Governer Tim Walz na mayroon pang improvised explosive device na hawak ang suspek.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang motibo ng nasabing pamamaril.

-- Advertisement --