Pinalawak pa ng mga otoridad sa Minnesota ang paghahanap sa suspek na pumatay kay State Rep. Mellisa Hortman at asawa nitong si Mark.
Natagpuan na ng mga otoridad ang sasakyan ng suspek na si Vance Boelter sa Sibley County, Minnesota.
Dahil dito ay pinapaalerto na nila ang mga resident kung saan nanawagan sila na agad na isumbong sa kanila kung makita ang suspek.
Itinuturing ng mga otoridad na politically moitivated ang suspek dahil sa nakakita ang mga otoridad ng listahan ng mga pulitiko na karamihan ay mga Democrats na maaring target ng suspek.
Magugunitang nagsuot na pampulis ang suspek at nagtungo sa bahay ng mga biktima at doon pinagbabaril ang mambabatas.
Hinigpitan naman ng mga Democrats ang kanilang security at nanawagan sila na dapat ay maaresto agad ang suspek.