-- Advertisements --

Patay ang limang katao habang sugatan ang anim na iba pa matapos ang naganap na mass shooting sa isang bangko sa Louisville, Kentucky.

Napatay naman ng mga rumespondeng kapulisan ang suspek na lalaki.

Dahil sa insidente ay pinalikas ng mga otoridad ang mga kalapit na residente sa lugar.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa pamamaril.