-- Advertisements --

Isinailalim sa state of calamity ang ilang bayan sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa walang tigil na pag-ulan na dulot ng habagat, na nagresulta sa matinding pagbaha sa ilang lugar.

Kabilang sa mga isinailalim sa state of calamity ang Infanta, Bugallon, Lingayen, Mangatarem, Bayambang, Sta. Barbara, Gupan City, at Mangaldan.

Samantala, nananatiling nasa red warning o heavy rainfall ang Pangasinan. Dahil dito, posible ang malubhang pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga lugar na madaling bahain at landslide-prone.

Patuloy naman ang isinasagawang rescue at response operations ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) para sa mga pamilyang matinding naapektuhan ng baha.

Sa kabila ng patuloy na pag-ulan at mapanganib na sitwasyon, nagpapatuloy ang monitoring, rescue operations, evacuation assistance, at iba pang kinakailangang hakbang upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga residente.