-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Lumobo pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid-19) sa probinsya ng Cotabato.

Sa pinakahuling datos ng Department Health (DOH-12) limang Locally Stranded Individual (LSIs) ang nagpositibo sa Covid 19.

Sa limang pasyante ay kinabibilangan ng 25 anyos na lalaki at 31 anyos na babae mula sa bayan ng Carmen Cotabato.

Nagpositibo din sa Covid 19 ang 33 anyos na babae mula sa Midsayap kung saan ang tatlo ay may travel history sa Maynila na dumating sa probinsya ng Hulyo 8 sa pamamagitan ng hatid tulong program ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagpositibo rin sa nakakahawang sakit ang 24-anyos na babae mula sa bayan ng Midsayap na dumating noong Hulyo 8 sakay ng commercial flight mu la sa Davao International airport at may travel history sa Maynila.

Kabilang rin sa nagpositibo sa Covid 19 ang 54 anyos na babae mula sa Pigcawayan Cotabato na dumating sa probinsya noong Hunyo 26 at may travel history sa Davao City.

Ang limang pasyente ay mga LSI, asymptomatic at nasa maayos na kondisyon.

Sinabi ni IATF Cotabato Spokesman Cotabato 2nd district Board Member Dr Philbert Malaluan na umakyat na sa 21 katao ang nagpositibo sa Covid-19 sa probinsya.

Sa ngayon ay nagsagawa na ng contact tracing ang IAFT Cotabato katuwang ang mga medical workers sa mga nakasalamuha ng limang pasyente at hinigpitan pa ang health protocols sa probinsya ng Cotabato kontra Covid 19.