DAGUPAN CITY – Halos hindi na makilala matapos na masangkot sa aksidente ang isang 48 anyos na lalaki sa bayan ng Lingayen.

Kinilala ang biktima na si Lito Atiwen, 48 anyos, na residente ng Brgy. Hacienda, sa bayan ng Bugallon.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, sakay ng kaniyang motorsiklo ang biktima ng mabangga at masagasaan ito ng isang bus sa pakurbang bahagi ng kalsada sa Brgy. Quibaol, Lingayen.

Agad na binawian ng buhay ang biktima at halos hindi na makilala pa matapos na labis na magtamo ng pinsala ang ulo nito. Nabatid na matapos na matumba ay nagulungan ng bus ang ulo nito.

Kasunod nito, muling nagpa-aalala ang mga otoridad ng ibayong pag-iingat sa mga motorista at ugaliing magsuot din ng helmet.