GENERAL SANTOS CITY – Ipinagdiwang ni dating Senador at boxing legend Manny Pacquiao ang kanyang ika-47 kaarawan noong Disyembre 17, 2025 sa isang hotel sa General Santos City.
Sa ulat ng Bombo Radyo Gensan, dinagsa ng mga panauhin mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang selebrasyon, kabilang ang mga kongresista, alkalde, at iba pang opisyal na nagbigay-pugay sa kanya.
Dumalo rin ang kanyang asawa na si Jinkee Pacquiao na nagbahagi ng mga larawan at mensahe sa social media bilang tribute sa kanyang asawa.
Tampok sa gabi ang special performance ni Mommy Dionesia Pacquiao na nagpasaya sa mga bisita.
Bilang pasasalamat, nagpa-raffle si Pacquiao ng cash prizes na umabot sa higit P1 milyon para sa mga dumalo.
Sa kanyang mensahe, tiniyak niya na sa edad na 47 ay mananatili siyang malakas at aktibo sa sports at adbokasiya.
Dagdag pa niya, umaasa siyang maging maayos at patuloy na umunlad ang bansa.
















