-- Advertisements --

Nahalal si dating eight-division world champion Manny Pacquiao bilang Bise Presidente ng International Boxing Association (IBA).

Makakasama niya sa nasabing asosasyon si President Umar Kremlev para gumawa ng athlete-first program.

Unang nakilala ang grupo bilang Amateur Internationl Boxing Association at nangangasiwa ng sports sa Olympics.

Makailang ulit na rin silang binalaan ng International Olympic Committee dahil sa problema sa pangangasiwa ng pondo at pamamahala na may kinalaman sa AIBA bago agn Tokyo Olympics noong 2021.

Dahil dito ay napili ng IOC ang World Boxing na manguna para sa 2028 Los Angeles Olympics.

Naniniwala si Pacquiao na mayroong magandang maidudulot ang IBA sa mga boksingero kung saan bawat bansa ay makakalahok sila.

Nais nitong tiyakin na walang anumang boksingero ang maiiwan at malilimutan.