-- Advertisements --
Umakyat na sa 47 katao ang nasawi sa pagsabog ng bomba sa isang mosque sa Peshawar, Pakistan.
Target umano nila ang mga kapulisan na nagdarasal.
Inako naman ng Tehreek-e-Taliban isang grupo ng mga Taliban miitants sa Pakistan ang insidente.
Ayon kay Pakistan Prime Minister Shehbaz Sharif na nais ng mga terorista na maghasik ng takot sa mga tao na nagtatanggol sa Pakistan.
Base sa inisyal na imbestigasyon na pinasabog ng suspek ang sarili nito habang nasa loob ng mosque.
Sinabi ni Peshawar police chief Muhammad Ijaz Khan na aabot sa 300 hanggang 400 na kapulisan ang nasa loob ng mosque ng mangyari ang insidente.