-- Advertisements --
Nakapagtala ng pinakamataas na recorded recoveries sa COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw dahil sa 45 na bagong gumaling.
Ayon sa Department of Health (DOH), may total nang 242 ang recoveries as of 4:00pm ngayong April 13.
Ang bilang naman ng mga namatay ay nadagdagan ng 18 na ngayon ay may kabuuan ng 315.
Pumalo na sa 4,932 ang total na bilang ng confirmed cases ng COVID-19 bunsod ng 284 na bagong nag-positibo.
















