stephen curry
-- Advertisements --

Binulabog ni Stephen Curry ang NBA matapos na magbuhos kanina ng 45 big points upang pahiyain ng Golden State Warriors ang powerhouse team na Los Angeles Clippers, 115-114.

Ito na ang ikalawang panalo ng Warriors mula ng magbukas ang bagong NBA season.

Liban sa malaking puntos nagtala rin siya ang 10 rebounds, at nagpasok ng walong three point shots.

Agad namang nag-trending sa social media ang sensational at brilliant all around performance ng two-time MVP.

Umusok ang social media sa pagbaha ng reaksiyon mula sa mga basketball fans.

-- Advertisement --

Maging ang Warriors head coach Steve Kerr ay nagugulat pa rin daw sa matinding ipinapakitang performance ni Curry sa edad na 33-anyos.

Si Curry din kasi ang nagpasok ng game winning three point shot upang selyuhan ang kanilang panalo.

Sa panig ng Clippers nasayang ang 29 points ni Paul George.

Habang hindi pa rin naglalaro ang superstar na si Kawhi Leonard dahil sa injury.