Aabot sa 44 percent ng mga Pilipino ang satisfied sa performance ni Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) sa kabila ng maiksing panahon na pananatili sa naturang ahensya, ayon sa Fourth Quarter 2019 Social Weather Stations survey.
Kasabay nito, 49 percent naman ng mga Pilipino ang naniniwala rin na ang pagkakatanggal kay Robredo sa ICAD ay “admission” o pag-amin ng Duterte administration na bigo ang kampanya kontra iligal na droga.
Sa 44 percent na satisfied sa performance ng Bise Presidente, 14 percent ang nagsabi na “very satisfied” sila habang 30 percent naman ang “somewhat satisfied.”
Samantala, makikita rin sa naturang survey na 26 percent ang dissatisfied sa performance ni Robredo sa ICAD.
Ibig sabihin, ang satisfaction score ni Robredo ay +18, na ayon sa SWS ay maituturing bilang “moderate.”
Ang naturang survey ay isinagawa mula Disyembre 13 hanggang 16, 2019 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults na 18-anyos pataas.
Isinagawa ito nationwide: tig-300 mula sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.