-- Advertisements --
Patuloy ngayong hinahanap ang nasa 43 katao matapos na lumubog ang isang barko sa southeastern coast ng Tunisia.
Ayon kay Mongi Slim ng Red Crescent, lulan ng lumubog na barko ang 127 migrants, kung saan 84 lamang dito ang nagawang masagip.
Nabatid na galing sa Libya ang naturang barko, base na rin sa impormasyon na kanilang nakuha mula sa mga nakaligtas.
Sinabi ng defense ministry na 84 migrants na nasagip ng Tunisian navy ay binubuo ng iba’t ibang nationalities, kabilang na ang mga galing sa Bangladesh, Chad, Egypt, Eritrea at Sudan.
Ang mga survivors na ito ay may edad na tatlo hanggang 40-anyos, ayon sa defense ministry. (Agence France-Presse)
















