Magsasagawa umano ng anunsyo ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga local officials na sangkot sa katiwalian sa pamamahagi ng social amelioration program (SAP) ng gobyerno sa mga apektadong mahihirap na kababayan sa lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, nasa 42 ng barangay officials ang sinampahan na ng PNP-CIDG ng kasong kriminal sa iba’t ibang piskalya sa buong bansa.
Ayon kay Usec. Malaya, mayroon pang karagdagang 15 kaso ang isusunod na ihahain habang may 93 pang kaso ang iniimbetigahan.
Magugunitang mula sa DILG Field Offices, inilipat na sa PNP-CIDG ang imbestigasyon ng mga reklamo kaugnay sa pamamahagi ng SAP para hindi na kailangan ng show cause order at agad ng maimbestigahan.