-- Advertisements --

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, may higit 40 lalawigan ang dalawang linggo na raw walang naitatalang bagong record ng sakit ayon sa Department of Health (DOH).

DOH data regions without case

Batay sa inilabas na data ng Health department, mula April 18 hanggang nitong May 2, walang mga bagong kaso ng COVID-19 na na-record ang 41 probinsya.

Ang 14 ay mula Luzon, 10 sa Visayas at 17 ay galing naman sa Mindanao.

Una nang sinabi ng DOH na naging factor ang lokasyon ng ilang lugar sa bansa, gaya ng mga isla, kaya may mga lalawigang walang kaso ng sakit o hindi kaya’y mababa ang infection rate.