-- Advertisements --

Inamin ng pinuno ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na tinatayang nasa 40 empleyado ng kanilang pasilidad ang nag-positibo sa COVID-19.

Sa isang panayam sinabi ni RITM director Dr. Celia Carlos, noong April 4 nang mag-positibo sa sakit ang isa sa kanilang mga encoder o office staff.

Umabot daw ng hanggang second generation ang transmission ng virus kung saan ilang katrabaho na nakasalamuha ng unang kaso ang nag-positibo.

Nilinaw naman ni Dr. Carlos na karamihan sa kanila ay walang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas.

Sa ngayon, naka-isolate daw muna ang mga nag-positibong staff sa dormitory facility ng RITM para sa mga empleyado.

Ang mga symptomatic o nakaramdam ng sintomas sa kanila ay idi-discharge lang kung magne-negatibo sa repeat test.

Habang ang mga walang sintomas ay kailangan pang tapusin ang 14-day quarantine.

Sa kasalukuyan may capacity na 1,500 hanggang 2,000 tests kada araw ang RITM kaya nanawagan si Dr. Carlos ng dagdag na manpower lalo na’t 24 hours na ang operasyon ng kanilang testing facility.

Nasa higit 40 laboratoryo pa ang naka-pending ang certification para maghawak ng COVID-19 testing.