BUTUAN CITY – Nakipag-ugnayan na sa Drug Enforcement Administration (DEA) at sa Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Estados Unidos si Police Regional Office (PRO)-13 Director, B/Gen. Gilberto DC Cruz para sa karagdagang imbestigasyon kaugnay sa nakumpiska 40 mga bricks ng floating cocaine.

Ayon kay Col. Martin Gamba, officer-in-charge ng Regional Intelligence Division ng PRO-13, layunin nito na malaman kung sino ang sources at para kanino ang nasabing shipment.

Samantala, dadalhin din sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Office ang nasabing cocaine na tinatayang nagkakahalaga ng P5.3-milyon upang malaman ang sindikato nasa likod nito at malaman ang ibig sabihin ng nakasulat na mga markings na “PV Bugatti.”