ROXAS CITY – Sugatan ang apat na katao kabilang ang isang menor de edad at PNP personnel matapos nagsalpukan ang motorsiklo at tricycle sa Barangay Tiza, Roxas City.

Kinilala ang mga biktima na sina Rey Almonguera, 48, driver ng tricycle at residente ng Barangay Dayao Roxas City; at mga pasahero na sina Anielyn Bisnar, 50; Nova Paglinawan, 32; at 11-anyos na menor de edad, pawang residente ng Tumanon St., Barangay Tiza.

Napag-alamang binabaybay ng tricycle na sinasakyan ng mga biktima ang daan papasok sa isang federoad nang aksidenteng sumalpok dito ang motorsiklo na minamaneho ni Demson Detablan, 26, ng Barangay Cabangahan, Panit-an, Capiz.

Dahil sa aksidente ay nagtamo ng sugat ang dalawang driver at dalawang pasahero na kaagad dinala sa ospital para mabigyan lunas ang natamong mga sugat.