Reading Time: 1 minute
san julian quake eastern samar
San Julian, Eastern Samar

TACLOBAN CITY – Umabot sa apat na mga indibiduwal ang naitalang sugatan mula sa nangyaring 6.5-magnitude na lindol sa Eastern Samar.

Sinabi ni Jan Allen Verbon, tagapagsalita ng Northern Samar LGU, dalawa ang naitalang sugatan sa kanilang lugar.

Isa raw dito ay isang babae na nagtamo ng sugat matapos na tumalon sa ikalawang palapag at isa naman ay nahulugan ng mabigat na bagay.

Sa bahagi naman ng Catbalogan, Samar, isa namang senior citizen ang sugatan habang palabas ng kanilang bahay.

Samantala, isa rin bata sa bahagi ng Taft, Eastern Samar ang patuloy na nagpapagaling matapos na mahulugan ng hollow blocks.

Ayon naman sa Office of the Civil Defense (OCD)-8, patuloy pa ang kanilang ginagawang assesment sa buong Eastern Visayas kaugnay sa kabuuang danyos at casualties mula sa nangyaring malakas na lindol.