-- Advertisements --

Matapos ang 11 taong pagdinig sa kaso, hinatulan ng habangbuhay na pagkakabilanggo ang apat na pulis at isang sibilyan matapos mapatunayang guilty sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Taiwanese noong September 2005.

Ayon kay Police Col. Julius Lagiwid, officer-in-charge ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group, kahapon naglabas ng hatol si Judge Janet Samar ng Quezon City Regional Trial Court Branch 219 laban kina PO3 Allan Verana, PO1 Candido Vallejo, PO1 Alexander Pangilinan, PO1 Joel Taped, at isang Ferdinand Gagusan.

Napatunayan kasi ng korte na dinukot at pinatay ng mga ito si Michael Chan noong 2005 sa may bahagi ng Katipunan Avenue sa Project 4, Quezon City.

Ayon sa report, humirit pa ang mga kidnapper na pulis ng anim na milyong piso sa asawa ni Chan para palayain ito pero makalipas ang dalawang araw ay natagpuan nang patay si Chan sa Aliputan Antipolo City.