BUTUAN CITY – Ipinadala na sa Department of Health (DOH) Caraga Regional Office sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City ang swab samples na kinuha mula sa apat na mga Cabadbaranons na nagpositibo sa COVID-19 matapos isa-ilalim sa rapid anti-body tests nitong nakalipas na araw at kahapon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Roselyn Exaure, tagapagsalita ng Cabadbaran City government, na ang apat ay kinabibilangan ng isang medical frontliner at tatlong mga sabungerong dumalo sa 6-cock derby ng Davao City.
Inihayag pa ng opisyal na dapat na ikabahala ang kanilang mamamayan dahil ang naturang mga resulta ay subject for confirmation pa ng SPMC.
Dagdag pa nito na noong unang pumutok ang balitang may mga dumalo sa sabong sa Davao City na nagpositibo sa COVID-19 ay kanila kaagad itong pinapa-trace at isina-ilalim sa 14 na araw na home quarantine hanggang sa sila’y pinalabas na lalo na yaong mga walang sintomas.
Matapos ang incubation period ay ina-isolate na ang iba hanggang sa isina-ilalim na sa rapid test at muling ibinalik sa quarantine area.