Esbern Snare
-- Advertisements --

Napatay ng mga Danish mariner ang apat na pirata na nagtangkang umakyat sa kanilang barko.

Ayon sa Danish military naganap ang insidente sa karagatang sakop ng Nigeria.

Ang Esbern Snare ay tinangkang pasukin ng mga pirata na lulan ng speed boat.

Bilang pagprotekta sa kanilang barko ay napatay ng mga Danish seaman ang mga pirata.

Ito ang unang beses na nakipagpalitan sila ng putok sa mga pirata sa Gulf of Guinea.

-- Advertisement --

Nagpadala agad ng tulong ang mga American, British, Italian, Spanish at Portuguese navies sa nasabing lugar.