-- Advertisements --

Nadagdagan pa ng apat ang bilang ng staff sa tanggapan ni Vice President Leni Robredo na nag-positibo sa coronavirus disease (COVID-19).

“I have gotten in touch with them to assure them that the office will do its utmost to take care of them and their families. They seem to be in good spirits and wala naman sa kanilang nagpapakita ng severe symptoms,” ani Robredo sa kanyang Facebook post.

Pinalawak pa raw ng Office of the Vice President ang contact tracing sa mga nag-positibong staff. Tiniyak din ng pangalawang pangulo na agad gagamutin ang mga natukoy na confirmed case.

Sa ngayon work from home pa rin muna ang pagkilos ng OVP sa ginagawa nitong responde sa COVID-19 pandemic.

“Sa lahat ng mga kasama natin, mga partners, pati na rin ang mga umaasa sa ating COVID response efforts: Tuloy ang vital operations natin. This, while we continue to enforce the strictest standards for safety.”

“Kausap na namin ang mga medical experts to determine the best timeframe for the resumption of operations in our physical office.”

Kinilala ni Robredo ang paglilingkod ng nasabing walong staff na aniya’y tinamaan ng sakit habang nagbibigay serbisyo para sa publiko.

“I want to publicly affirm their courage and resolve. Samahan din sana ninyo ang aming opisina in praying for their speedy recovery.”

‘As always, we’ll update the public accordingly. Thank you for your continued support.”