Inirekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasampa ng administrative at criminal charges laban sa isang Agriculture official at tatlong Sugar Regulatory Administration (SRA) officials kaugnay sa kontrobersyal na Sugar Order No. 4.
Kabilang sa mga pinakakasuhan sa Office of the Ombudsman sina Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, SRA administrator Hermenegildo Serafica, dating Sugar Board member Roland Beltran atSugar Board member Aurelio Gerardo Valderrama Jr.
Batay sa report na binasa ni Blue Ribbon General Counsel Gerard Mosquera, lumalabas sa “preliminary evidence on record” na kabilang sa administrative offenses na nilabag ng apat ang serious dishonesty, grave misconduct, gross neglect of duty, conduct prejudicial to the best interest of the service at gross insubordination
Kabilang naman sa kasong kriminal na pinapapasampa sa Ombudsman ang graft and corruption, agricultural smuggling at usurpation of official functions.
Kaugnay nito, pinalalagay na rin ng komite sa watchlist ng Bureau of Immigration ang apat na akusado.