-- Advertisements --

Kinumpirma ng Overseas Workers Welfare Association (OWWA) noong Disyembre 31, 2025, na ligtas nang nakauwi ng Pilipinas ang apat na Pilipinong seafarers na ikinulong ng mga pirata sa LPG tanker CGAS Saturn sa Malabo, Equatorial Guinea.

Dumating ang mga ito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 via Flight QR932 noong Martes.

Agad silang tinulungan ng OWWA at Department of Migrant Workers (DMW) at bibigyan ng suporta mula sa pamahalaan, kabilang ang agarang tulong-pinansyal at iba pang kinakailangang assistance para sa kanilang pagsisimula.

Magugunita na ang apat na Pinoy ay kabilang sa 12 crew members na nakulong sa waters ng Mbini, Equatorial Guinea noong unang bahagi ng Disyembre.

Matapos ang insidente, ilan sa kanila ay iniulat na nawawala ngunit kalaunan ay nakumpirmang ligtas na.