-- Advertisements --

Patay ang apat na kabataan at apat ang nasugatan matapos na sila ay palakulin sa isang daycare center sa Blumeanau city, Brazil.

Ang mga nasawi ay tatlong lalaki at isang babae na may edad mula lima hanggang pitong taon.

Sinabi naman ni Santa Catarina governor Jorginho Mello na naaresto ng mga otoridad ang lalaking suspek.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na bigla na lamang pumasok ang suspek sa pamamagitan ng pag-akyat sa pader ng Cantinho Bom Pastor daycare center.

Tumakas pa ito ng hinabol ito ng guro bago tuluyang sumuko sa mga kapulisan.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Brazilian President Luiz Inácio Lula da Silva sa mga nasawing biktima.

Habang patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa nasabing insidente.