-- Advertisements --

Pormal ng nanumpa sa harapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang apat na bagong directors ng Maharlika Investment Corporations.

Ayon sa Presidential Communications Office na ang mga directors ay sina Asian Development Bank (ADB) officer Vicky Castillo Tan, Andrew Jerome Gan, German Lichauco, at Roman Felipe Reyes.

Si Tan ay nag-aral ng Bachelor of Science in Business Administration sa University of the Philippines-Diliman at nagtapos noong 1982 tinapos din niya ang kaniyang Master of Business Administration noong 1987.

Habang si Gan ay nag-aral ng finance and business economics sa University of Notre Dame sa Indiana, USA kung saan nagtapos nito noong 1985 at nag-aral din ito ng Masters in Public Policy and Management sa School of Oriental and Asian Studies.

Si Lichauco naman ay nagtapos sa De La Salle University sa Manila noong 1985 at nakuha nito ang Juris Doctor degree sa Ateneo de Manila University noong 1992.

Nagtapos naman si Reyes sa San Beda College ng makumpleto ang Bachelor of Science in Commerce noong 1972 at nagtapos ng Master of Business Administration-Finance degree sa University of Detroit, Michigan noong 1975.

Magugunitang noong Hulyo ng pirmahan ni Pangulong Marcos ang Maharlika Investment Fund na layon nito ay magamit ang mga state assets sa investment ng makalikom ng dagdag na pondo.