Apat na mag-aama ang inaresto sa anti-drug operations ng kapulisan sa lungsod ng Makati nitong Miyerkules ng gabi.

Nakuha sa mga suspek ang 60 sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P30,000.

Naaresto ang target ng operasyon ang mga mag-aama na kilalang tulak ng droga sa Barangay Cembo, Makati.

Sinabi ni Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makait City Police, na matagal na nilang minamanmanan ang mga suspek dahil sa talamak na pagbebenta ng iligal na droga sa lugar.