-- Advertisements --

Aabot na sa 4 million sa 18 million na mahihirap na pamilyang Pilipino na apektado ng COVID-19 pandemic ang nabigyan ng financial assistance ng DSWD.

Bukod dito, sinabi rin ni Social Welfare Undersecretary Milo Gudmalin na P65 billion halaga ng pondo na rin ang kanilang naibigay sa 1,228 local government units (LGUs) para sa Social Amelioration Progra (SAP).

Inaasahan ni Gudmalin na sa linggong ito ay dodoble pa ang mabibigyan ng emegency subsidy ng mga LGUs.

Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, P200 billion ang inilaan ng pamahalaan para sa emergency package nito sa mga low-income households para matulungan ang mga ito sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Tatanggap ang bawat pamilya ng tig-P5,000 hanggang P8,000 ngayong buwan ng Abril at sa darating na Mayo base na rin sa minimum wage sa bawat rehiyon.