-- Advertisements --

Itinaas na sa red storm alert ang apat na lungsod sa Henan province bunsod ng malawakang pagbaha dulot ng walang humpay na pag-ulan na nararanasan halos isang linggo na sa Henan province sa China.

Ito ang pinakamataas na storm alert sa apat na tier colour coded sa weather warning system.

Kabilang sa isinailalim sa red storm alert ang city of Xinxiang, Anyang, Hebi at Jiaozuo.

Maliban dito, nag-isyu na rin ng maagang abiso ang province weather bureau sa inaasahang matinding pag-ulan.

Samantala, pumalo naman sa 33 ang death toll sa naturang probinsiya at mahigit 3 million ang apektado habang marami pa rin ang nawawala dahil sa malawakang pagbaha.

Labindalawa sa mga naitalang nasawi ay ang 12 katao na nalunod sa baha matapos na matrap mula sa subway ng Zhengzhou city.

Bunsod ng mapaminsalang baha, ipinag-utos na ng China government sa local authorities ang agarang pagpapaigting ng urban transit flood controls at emergency responses. (with reports from Bombo Everly Rico)