DAGUPAN cITY- Patay ang apat na katao, sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Nueva Ecija.

-- Advertisement --

Sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, kinilala ang napatay na umanoy tulak ng droga na si Junjun Sebastian na sinasabing kabilang sa drug watchlist.

Narekober sa crime scene ang caliber 38 na baril, mga bala at 8 pakete ng hinihinalang shabu, mga basyo ng caliber 9 mm at P500 na ginamit na marked money.

Samantala, napatay rin sa hiwalay na operasyon ang isa pang drug suspek sa parehong lungsod.

Nakuha sa napaslang na suspek ang isang caliber 45 pistol, mga bala at pitong sachet ng shabu, mga basyo ng bala at ginamit na marked money.

Samantala, sa Aliaga, Nueva Ecija, dalawang drug suspect din ang napatay matapos manlaban sa operasyon ng mga otoridad.

Nakuha rin sa pinangyarihan ng enkuwentro ang mga bala, baril at ginamit na marked money.