-- Advertisements --
Kinumpirma ng Malacañang na tinanggihan ng Chinese government ang mungkahing magkaroon ng third party investigation kaugnay sa Recto Bank incident.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, umayaw ang China na mayroon ibang makialam sa nangyaring pagbangga ng Chinese vessel sa Filipino fishing boat sa West Philippine Sea.
Ayon kay Sec. Panelo, mas pabor ang China na magkaroon ng joint investigation sa pagitan lang ng dalawang bansa.
Posible naman aniyang pumasok ang third party investigation kung hindi magtutugma ang kalalabasan ng imbestigasyon ng China at Pilipinas.
Kung maaalala, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang problema sa kanya ang third party investigation basta manggagaling ito sa neutral countries.
















