England truck
England truck

Nasa 39 bangkay ang natagpuan sa loob ng container truck sa England.

Pinaniniwalaang galing sa Bulgaria ang truck ng ito ay matagpuan sa Waterglade Industrial Park sa Grays, Essex county.

Kinabibilangan ito ng 38 na adults at isang teenager ang nasawi.

Inaresto na naman ang 25-anyos na driver ng truck.

Tinitignan ngayon ng National Crime Agency na pagkakasangkot ng organized crime groups sa insidente.

Tiniyak naman ni British Prime Minister Boris Johnson na kaniyang pananagutin ang mga nasa likod ng insidente.