Nasa 33 katao ang patay matapos ang air strike sa military school sa Tripoli, Libya.

Sinisi ng gobyerno ang mga rebel forces na loyal kay Gen. Khalifa Haftar sa nasabing atake.

Mariing pinabulaanan ng grupo ang nasabing alegasyon.

Mula pa kasi noong Abril ay naglunsad ng atake ang grupo ni Gen Haftar at pinipilit na makuha ang kontrol sa Tripoli.

Nanawagan naman ng foreign ministry ng Libya ng emergency session sa UN Security council para pag-usapan ang air strike at ipaimbestiga si Gen Haftar sa International Criminal Court.