-- Advertisements --

Dumating na nitong Linggo ng gabi ng Abril 5 ang nasa 322 Pilipinong marino mula sa Italy.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, 114 seafarers ay mula sa Cost Diadema cruise ship habang 208 naman ay mula sa Costa Victoria cruise ship.

Sinalubong ito ng mga opisyal ng DFA sa pagdating nila sa Ninoy Aquino International Airport.

Dagdag pa ng DFA na may mga darating pang mga karagdagang seafarers sa mga susunod na mga araw.