James Harden/ Photo courtesy of NBA

Tumipa ng 31 points si James Harden, at dinagdagan ni Chris Paul ng 19 points upang banderahan ang 135-103 pagtambak ng Houston Rockets sa Los Angeles Clippers.

Umalalay din si Clinit Capela na bumuslo ng 24 points at 15 rebounds para akayin ang Rockets tungo sa kanilang ikaapat na dikit na panalo.

Kasalukuyang inaangkin ng Houston ang third seed sa Western Conference at nasa ikaanim naman ang Clippers, kaya maaaring sila ang magtunggali sa unang round.

Nagbaon ng 3-pointer si Paul sa pagtunog ng buzzer sa third quarter, kung saan na-outscore ng Rockets ang Clippers 34-20.

Inakay naman ni rookie Shai Gilgeous-Alexander ang Clippers na humugot ng 20 points, at kay Danilo Gallinari na may 16.