-- Advertisements --

Umaabot na sa 300 Filipino ang nailikas mula sa nagaganap na malawakang sunog sa Australia.

Ayon kay Consul General Aian Caringal, karamihang mga Pinoy na naapektuhan ay mga naninirahan sa Easy Gippsland sa Victoria.

Inilipat ang mga ito sa Bairnsdale City kung saan nabigyan ang mga ito ng temporaryong tirahan.

Dagdag pa ni Caringal, may dalawang bahay na ng mga Filipino ang natupok ng apoy.

Magugunitang mula pa noong Setyembre ay umabot na sa mahigit limang ektarya ng lupain ang nasunog, 2,000 kabahayan na ang naabo at 24 katao na ang nasawi.

Hinihintay na lamang ng embahada ang request para sa repatriation ng mga Filipino doon kung nais nilang bumalik ng Pilipinas.