DAVAO CITY – Tinatayang aabot ng 30 kabahayan ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog kaninang tanghali sa Purok 11, Barangay 8-A, lower Madapo lungsod ng Dabaw.

Ito na ang pangalawang sunog na naganap sa naturang Barangay sa loob lamang nitong buwan ng Agosto.

Batay sa testimonya ng mga residente, nagsimula ang sunog sa mga tuyong dahon ng saging kung saan nag-lalaro ng apoy ang mga bata.

Inihayag ni Barangay Captain Ariel Lagmay, mabilis kumalat ang apoy dahil sa magka-dikit na kabahayan na gawa lamang sa mga light materials.

Dagdag pa nito na mga biktima rin ng matinding pagbaha noong nakaraang araw ang mga nasunugan, habang ang iba naman ay biktima rin ng sunong noong nakaraang linggo.

Matatandaan na na-una nang nagkasunog sa naturang barangay noong Agosto 3 nitong taon kung saan 22 kabahayan ang naabo.